top of page

SINE SINDAK 2024

SINE SINDAK 2024 RANKING


1️⃣ HOUSE OF SAYURI

Ang usapan horror… pero bakit nakakaiyak? Kahit halu-halo ang genre, magaling kung paano niya pinaglaruan lahat ng iyon. Different elements fall together in its rightful place, ending with a heartfelt and meaningful message. Read full movie review here.


2️⃣ VHS BEYOND

Parang Shake, Rattle & Roll pero make it 6 episodes. Iba’t ibang klaseng misteryo ang ipinakita sa bawat episode. 𝘚𝘵𝘰𝘳𝘬 is undoubtedly the best episode because it has the right mix of horror, gore, thrill and adventure. With its creepy acting and story, 𝘍𝘶𝘳 𝘉𝘢𝘣𝘪𝘦𝘴 has the potential to be a full-length film. Other episodes contributed a few shocking moments. Overall, the beauty of this film is not beyond, but it’s enough to keep you interested.


3️⃣ MADS

Hindi masyadong nakakatakot, ngunit malinis ang direksyon at nakakaaliw ang aktingan. Nakakamanghang matunghayan ang isang buong continuous shot na sinubukang gawin ng pelikula—ngunit sayang lang dahil nagkaroon ng cuts ang Philippine cinematic release kaya napuputol din ang buong experience.


4️⃣ MY MOTHER’S EYES

Nonchalant acting sila rito na akma sa kwento. Puno ng symbolisms ang mga kaganapan. Maraming pwedeng maging interpretasyon—naka depende sa kung saang lente ka nakatingin. Sa sobrang dami ng mensahe, wala ng nangibabaw. Nakakasilaw na siya sa mata.


5️⃣ NANAY TATAY

May potensyal sana ang istoryang ito, pero walang dating ang pagkakalatag at kung paano ibinunyag ang lahat. Read full movie review here.


6️⃣ PASAHERO

Hindi marunong umarte si Andre Yllana. Idinaan sa texts para sabihin ang kanilang mensahe. Mamatay man o mabuhay ang mga pasahero, hindi ka mag-aalala para sa kanila. Read full movie review here.


7️⃣ THE THORN

Unli-jumpscares na sobrang nakakaumay dahil imbes na magkwento ay puro pananakot na lang ang ginawa.


8️⃣ TENEMENT

Tengene nement. Feeling nila may na-achieve sila sa ending nila pero wala. Empenget!


SINE SINDAK runs from October 30 - November 5, 2024 at SM cinemas nationwide. Tickets are priced at P150 per movie or P300 for an all-day pass.

0 comments

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione
bottom of page