SRR: EVIL ORIGINS
- goldwinreviews
- Dec 20, 2025
- 6 min read
Updated: Dec 26, 2025
Read the omnibus review for SRR Evil Origins at the most bottom part.
1775 (SRR Evil Origins Episode 1)
Directed by: Shugo Praico

Kung ano man ang mahalagang nangyari sa year na ito, hindi siya natalakay sa episode na ito. Halos walang nangyayari. Antagal umusad ng istorya. Puro tsismisan at awrahan ang mga sisters.
Good decision na i-highlight ang mga mata ni Loisa Andalio, dahil may mga hugot itong kayang ilabas at sabihin. Elijah Alejo is entertaining. Carla Abella did her part by giving a decent performance. Ang cool ng role ni Ashley Ortega. Effective ang pagiging maldita ni Janice De Belen.
Maganda sana ang rapport ng mga sisters, pero ang one-dimensional ng mga karakter. Isinulat sila para lang gawin o mag-representa ng iisang bagay. Tapos kapag nagawa na nila iyon, wala na silang silbi sa istorya.
Hindi ramdam yung bigat ng mga kasalanan nila. Nakaka-distract din yung paraan ng pananalita nila. Pilit silang nagpapakaluma kahit hindi natural pakinggan.
Ang hilig nila sa mga close-up shots. Hindi nakikita ang ganda ng simbahan. Hindi na-establish na 1775 ang setting. Ang underwhelming ng prod design. Hindi angkop ang color grading. Ang abrupt ng pagkaka-edit. Hindi smooth ang pag-zoom at pag-pan. Kulang sa musical scoring.
Hindi nakakatakot yung hitsura ng kalaban. Mas bagay siya sa aksyon kesa sa horror. Walang build up ang mga pananakot. Dinadaan parati sa gulatan.
Kahit na maraming gulatan, nakakaantok pa rin siyang panuorin. Hindi magandang panimula ang episode na ito. Umpisa pa lang, pasuko ka na kaagad.
𝟏𝟕𝟕𝟓
Cast: Loisa Andalio, Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Elijah Alejo, Arlene Muhlach, Ara Mina, Janice De Belen, Carla Abellana
2025 (SRR Evil Origins Episode 2)
Directed by: Joey De Guzman

This episode has no downtime. Once the party starts, there’s no turning back. You’re in for nonstop fun.
Gaya ng isang totoong party, andaming mga tao. Kapag nakita mo silang lahat, alam mo na kaagad kung sino ang mga unang mamatay. Antagal kumilos ng kalaban kapag bida ang kaharap. Pinapatagal ang kanilang exposure.
Hindi ka rin makaka-angal dahil ang saya nilang tingnan. May kanya-kanyang paandar ang bawat isa.
Kahit wala masyadong pinupuntahan ang istorya, sasakyan mo na lang. Sunod-sunod ang mga kaganapan kaya hindi ka rin bibitaw. Titingnan mo kung paano ba sila makakatakas, o kung paano ba sila mapapatay.
Ang sikip tingnan ng mga shots. Claustrophobic ang peg. Dahil paikot-ikot silang lahat sa iisang building, may mga oras na gusto mo sana makita kung gaano kalawak ang ginagalawan nila. Pero parating parang nasa kahon lang sila.
Sumasablay ang mga tunog. Minsan, wala kang marinig na boses. Minsan, hindi ito sumasabay sa buka ng bibig. Nakaka-distract ang audio dubbing. Ang lakas ng sigaw, pero hindi swak sa mukhang ipinapakita. Halatang peke rin ang mga dugo. Imbes na mandiri, madidismaya ka sa effects at editing.
Agaw-eksena si Sassa Gurl. Nanakawin niya ang iyong atensyon, at ang kapalit nito ay kasiyahan. Kaya niyang buhayin ang mga eksena. Nakakatawa rin si Alex Calleja kahit saglit lang siya ipinakita.
Brief loveteam moments from FranSeth and JMFyang add extra fun to an already engaging episode.
Karina Bautista is a revelation. Magugulat ka sa kung ano kaya niyang gawin. May diin at hagod kung paano niya bigkasin ang kanyang mga linya.
May eksena dito kung saan hahanapin mo ang karakter ni Fyang dahil may kailangan siyang gawin pero nawawala siya. Sa pagkakataong iyon, mapapatanong ka talaga kung “Nasaan si Fyang?”. Marami siyang sigaw na gagawin dito, pero halos pares-parehas lang ang dating. Kulang pa siya sa facial expression at emotion.
Saktong aktingan ang naibigay nina Francine Diaz, Seth Fedelin, at JM Ibarra. Tamang inis lang para sa karakter nina Althea Ablan, Arkin Lagman, at Dylan Yturralde. Napangatawanan nila ang pagiging basagulero.
Maingay silang lahat at kulang sa laman at istorya. Pero angkop ang ingay na iyon para sa episode na ito.
Dahil pinagsama-sama silang lahat sa iisang episode, naging enjoy siyang panuorin. Naitawid nila ito hanggang katapusan. Exciting ang naging ending. Magandang panimula para sa next episode.
𝟐𝟎𝟐𝟓
Cast: Francine Diaz, Seth Fedelin, Sassa Gurl, Fyang Smith, JM Ibarra, Althea Ablan, Arkin Lagman, Dylan Yturralde, Alex Calleja, Manilyn Reynes
2050 (SRR Evil Origins Episode 3)
Directed by: Ian Loreños

May advantage na kaagad ang episode na ito dahil may pagkakataon silang pagsamahin lahat ng kwento. Ngunit sa isang iglap, naging disadvantage na lang siya.
Isang bagsakan nilang sinabi ang mga impormasyon. Parang may nagaganap na recitation. Tapos nung nabunyag na, mapapasabi kang iyun na ba talaga yun. Kakarampot lang ang kanilang ibinigay. Hindi nakakagulat ang mga nalaman mo. Halos wala na rin silang naibunyag. Ang luwag ng pagkakatahi sa istorya at sa mga karakter.
Hindi napanindigan ang dystopian future na setting. Nakaka-turn off ang visual effects. Mula sa dugo, sasakyan hanggang sa pagsabog, halatang peke. Hindi nakaka-bilib ang prod design.
Tomb Raider ang atake ni Ivana Alawi. Bagay na magkapatid sina Richard Gutierrez at Dustin Yu. Nasa tikas at hulmahan nila ang aksyon genre. Pero ang kaunti lang ng mga bakbakan. Hindi sila nasulit.
Hindi nakakatakot ang make up ng mga kalaban. Mas mukha silang patay-gutom kesa sa halimaw. Ambilis mamatay kapag supporting cast. Pero kapag bida, andaming pasikot-sikot. Parehas na mahina ang mga naglalaban, kaya walang tensyon at kilabot na namumuo.
Nakakahilo ang mga shots. Sablay ang mga action scenes. May attempt na gawing exciting ang mga labanan, pero hindi maganda ang choreography.
Hindi siya pang-action. Hindi rin siya horror. Mas naging fantasy pa siya dahil dun sa final boss. Hindi mo alam kung anong klaseng nilalang ba yun. Basta makapangyarihan daw siya. Pero ang lamya kung paano sila mag-away.
Maya’t maya ay lumilipat ang cast ng location. Nakakatulong siya minsan para hindi ka tuluyang mainip. Aasa ka na baka may mangyayaring pasabog sa mga susunod pa nilang hakbang.
Pero kahit anong lakad ng paa at andar ng sasakyan, hindi maganda kung paano umusad ang kwento. Hindi pangmalakasan ang naging ending. It’s not the future you’re looking forward to.
𝟐𝟎𝟓𝟎
Cast: Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Dustin Yu, Matt Lozano, Manilyn Reynes
Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (MMFF 2025)
Directed by: Praico, De Guzman, Loreños

For decades, SRR has been giving films composed of three separate anthologies. This year, for the first time, all three will be connected. It’s a refreshing and significant leap.
Sadly, that promise falters. The connection between the stories is weak and almost nonexistent. They don’t feel like an integral part of a whole. Each segment can easily stand on its own.
The first episode is supposed to set the bar high for the entire film, but it didn’t. The pacing drags without purpose, lacking details to keep you interested. Instead of building tension, it leans on cheap jump scares that add little to the experience. You’re left wondering whether it can recover, but the boredom persists. Definitely not a promising start.
As soon as the second episode begins, the mood shifts instantly. Boredom turns to fun and entertainment. A much-needed recovery from the previous one. The ensemble is a delight to watch, and the momentum carries through, leaving you excited for the finale.
The last episode could have saved the whole film with a satisfying conclusion, yet it fails to tie up all loose ends together. Action scenes are lame and poorly choreographed. Horror elements fall flat. Since the opening and closing episodes disappoint, the second one becomes a clear standout.
OG stars Manilyn Reynes, Carla Abellana, and Janice De Belen are all underutilized. Their roles lack nostalgic appeal.
The production design struggles to capture the mood and atmosphere of each period setting. Some visuals are too fake, making the scenes more unconvincing.
The shots are consistently tight, never conveying the vastness of its world or the era in which they belong to. Neither the editing nor the sound design enhances the film. Ironically, no origin stories are really present here.
After 𝘌𝘷𝘪𝘭 𝘖𝘳𝘪𝘨𝘪𝘯𝘴, the question is whether SRR should return to its anthology roots or continue pursuing a connected storyline for the next one.
Regardless of the path taken, SRR remains a living legacy. Its past achievements make you look forward to what it can still offer in the future.
𝐒𝐑𝐑 𝐄𝐕𝐈𝐋 𝐎𝐑𝐈𝐆𝐈𝐍𝐒
1775: Loisa Andalio, Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Elijah Alejo, Arlene Muhlach, Ara Mina, Janice De Belen, Carla Abellana
2025: Francine Diaz, Seth Fedelin, Sassa Gurl, Fyang Smith, JM Ibarra, Althea Ablan, Arkin Lagman, Dylan Yturralde, Alex Calleja, Manilyn Reynes
2050: Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Dustin Yu, Matt Lozano, Manilyn Reynes
Written by: Alex Castor, Noreen Capili, Onay Sales, Gina Marissa Tagasa
Presented by: Regal Films
Release Date: December 25, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Sinong inaabangan mo sa SRR EVIL ORIGINS?
Richard Gutierrez
Ivana Alawi
Dustin Yu
FranSeth
