top of page

THE VIGIL

Updated: May 15

The Vigil (released in 2025)

Directed by: Adolf Alix Jr.


Sa sobrang kulelat ng kwento, naghubad na lang ang mga lalaki para ipakita ang kanilang mga muscles.


YouTube pa ba ito or Vivamax app na?


Andaming kili-kili shots. Panay pakita ng tiyan at abs. Hindi lang nag-topless ang mga boys. Minsan ay naka-underwear na lang sila. Nagkaroon ng habulan sa tag-ulan habang nakahubad. May eksena pa sa spa.


Halatang katawan na lang ang puhunan ng pelikulang ito. Walang effort na ipakilala ang bawat karakter. Lahat sila ay hindi na nag-iisip. Nilamon sila ng kanilang muscles.


Ang dugyot ng editing. Putol-putol at hindi na ipinapakita ang ilang eksena. Dinadaan na lang sa salita at voiceover para ipaliwanag ang mga nangyayari. Andaming shots na babad at pinapatagal na lang para humaba ang pelikula. Hindi exciting panuorin. Ang mema ng ending.


Ang boring ng mga pananakot. Hindi epektibo ang make up ng multo. Mas matutuwa ka pa sa ginagawa niya kesa sa matakot ka sa kanya. Sound effects na lang nagbibigay horror sa pelikulang ito.

Kahit hindi siya nagsasalita, andaming kayang sabihin ni Will Ashley dahil expressive ang kanyang mukha. Effortless umarte si Faye Lorenzo. Meron siyang dating at presensya. Maangas siyang magbitaw ng mga linya.


On the other hand, the white sando boys need to spend more time on acting workshops. Pwede na silang pagtiyagaan pagdating sa payabangan, pero kapag kailangan ng magbigay ng malalim na emosyon, kinukulang sila.


Hindi sapat ang kanilang mga katawan para pagtakpan ang kanilang kahinaan. Hindi muscles ang dapat pigain kundi ang script na halos walang naihain.


Let’s be vigilant of movies that barely offers anything substantial.


THE VIGIL

Rating: 0/5


Cast: Will Ashley, Abed Green, Bruce Roeland, Anjay Anson, Prince Carlos, Kimson Tan, Carlo San Juan, Joaquin Manansala, Kiko Ipapo, Faye Lorenzo

Story by: Joey Abacan

Screenplay by: Lawrence Nicodemus

Presented by: OBRA Cinema Productions

Release Date: May 10, 2025 on GMA Pictures’ YouTube channel

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Who did it the best?

  • Abed Green

  • Anjay Anson

  • Bruce Roeland

  • Carlo San Juan


Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page